Madami ng taon na nakakalipas mag mula nung una kaming nag kita. Madami na din iniyak na luha, madaming naranasan, nasaktan ng sobra at nag tiis hanggang ngayon. Madaming bagay na ngyari, madami na din pag babago.. Ilang buwan ng hindi na din nag uusap at nag kikita.. Ngunit, sa lahat ng ito.. Meron isang bagay na hindi pala kumukupas.. Ang pag-ibig.
Pag ibig na tumatag sa panahon, pag ibig na mas lalong tumibay dahil sa mga luha na naiyak, sa mga pangyayari na pinag daanan.Pag ibig na nag increase dahil sa panalangin, sa mga secretong panalangin. Akala ko nung una mababawasan ito hanggat sa mawala ng tuluyan.. Nag kakamali pala ako. Dahil sa pag ibig ng Lord na araw araw nararanasan namin, mas lalo palang umugat ito sa mga puso namin. Isang pag ibig na di na tulad ng dati nung bata pa kami. Isang pag ibig na handang mag paturo at mag pasakop sa kalooban ng Lord. Isang pag ibig na hindi tumitingin sa ano pwede namin mabenefit, ngunit iniisip kung paano mas lalong magging ok yung isa. Isang pag ibig na hindi iniisp mag pakasal or magging boyfriend and girlfriend (pang teenagers lang iyon :p), ito ay pag ibig na mas pinipiling magging kaibigan, na maaring may halong kilig, ngunit hindi mahalaga yon, dahil may iba ng priprities sa buhay. Itong pag ibig na ito hindi seloso, hindi selfish: malaya kaming nakakagawa ng ano man bagay dahil may tiwala kami sa isat isa. In short hindi ito sakit sa ulo. Hindi tinik sa puso. Ito ay maganda dahil sa Lord nag mumula :)
No comments:
Post a Comment